Mediamen magkakabahay at lupa sa P6M pondo lang

ISA ako sa mga taga-media na unang nakakikilala kung sino at ano si Benny Antiporda na ngayon ay publisher ng diaryong Remate.

Mahabang panahon na rin na nakasama ko ang mamang ito simula pa noong isa pa lang siyang ordinaryong negosyante hanggang sa maging isang magaling na mamamahayag.

Simpleng tao, mapagbiro pero may mga pagkakataon na ibang magalit ang mamang ito. Kung hindi mo siya kilala ay baka tuluyan kang magalit sa kanya dahil sa ugali niya bilang mapagbirong tao.

Simula’t sapol nang makilala ko si Benny sa ilang dekada na rin ay wala akong nakita o nabalitaan man lang na nilamangan ng taong ito ang kanyang kasama o kabaro. Kaya nga sa dami nating taga-media ay isa siya sa mga pinagpala ng Panginoong Jesus para makatuwang niya sa pagtulong sa mga mahihirap nating kasama sa hanapbuhay.

Maging ako nga ay nagulat sa mabilis na pag-asenso ng dati na itinuturing kong matalik na kaibigan na ngayon ay isa ko na palang bosing. Isinusulat ko ito hindi dahil sa gusto kong magsipsip kay Boss Benny.

Isinusulat ko ito para malaman ng lahat kung anong klaseng tao ang pinaparatangan nilang si Benny Antiporda na umano’y nangdispalko ng P6M ng pinagbilhan ng Manansala mural. Sa totoo lang ay ‘intact’ ang perang hinahanap nila.

Katunayan, ‘yung perang hinahanap ng mga gago at gaga ay inalaan ni Mr. Antiporda sa isang housing project para sa mga kabaro natin na halos ilang dekada na rin sa industriya ngunit ni isang bahay at lupa sa ‘paso’ ay walang naipundar.

Kaya naisip ni Benny kung ano ang magiging pakinabang ng P6M para sa kapakanan ng mediamen na walang sariling bahay at lupa.

Eto na ‘yung hinahanap ng isang lady officer ng National Press Club. Bakit kinailangan pa niyang wasakin ang pagkatao ng kapwa niya sa panulat ganong puwede namang kausapin si Benny ng face  to face. Di ba, gaga?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply