Medical assistance ipinadala na sa Batanes

NAGPADALA na ang pamunuan ng Department of Health (DOH) ng tulong sa Batanes na naapektuhan ng dengue outbreak.

Maliban dito, una nang idineklara  ang state of clamity sa isla ng Sabtang sa Batanes matapos na umabot sa 63 katao ang kaso ng dengue nitong huling linggo ng buwan ng Hunyo.

Batay sa datos ng health department, umabot na sa 27,000 ang kaso ng dengue mula nitong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Mayor Maxilindo Babalo ng Sabtang na idineklara ang state of calamity sa lugar matapos umabot sa 63 katao ang tinamaan ng nakamamatay na sakit na dengue nitong huling lingo ng buwan ng Hunyo.

Ang hakbang na ito ay may layong magamit ang calamity fund sa pagbili ng gamot para sa mga pasyente at fogging operations para maitaboy ang mga lamok na may dalang dengue.

Nagpasalamat din si Babalo kay Dr. Eric Tayag, head ng National Epidemiology Center ng DOH, dahil sa pagbibigay ng medical assistance sa naapektuhang lugar at umaasa umano siya na mabibigyan na ng solusyon ang kanilang problema bunga ng sakit na dengue.

Nanawagan din ang alkalde sa mga kalapit na lokal na pamahalaan para magbigay ng fogging machines na magagamit para maitaboy ang mapaminsalang lamok. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply