Meteors nakabawi sa Lhuillier Niños, 66-60

NAGPASABOG ang Misamis Oriental Meteors ng liwanag para palambingin ang M Lhuillier Kwarta Panalo Cebu Niños sa iskor na 66-60 tungo sa pagsukbit ng titulo ng SNC Liga Pilipinas Conference 5 National Championships na ginanap sa Xavier University Gyms sa Cagayan de Oro City noong Linggo ng gabi.

Ito ang pangalawang National Championships title ng Misor kasunod ng comference II noong 2009. nagtala din ng panalo sa back-to-back sa pagpapaluhod sa Cebu Niños ang Meteors sa komprehensiyang ito.

Nagpahayag ng paghanga si team owner Gov. Oscar Moreno sa team members partikular kina Rudy Lingganay, Ken Bono, Lindon Gudez at Neil Rañeses sa mahuhusay na inilaro sa poagbawi sa abante ng kalaban sa 29-32 paghahabol sa unang half ng laro. Sila ay nagtala ng 10, 8, 9 at 7 puntos alinsunod sa pagkakasunud-sunod na hindi na nagawang makahabol ng Niños.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply