Metro police nakaalerto sa 4th of July

NAKAALERTO ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) laban sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa selebrasyon ng Estados Unidos sa kanilang “Independence Day” bukas, Hulyo 4.

Sinabi ni Metro Manila police director, Chief Supt. Allan Purisima na nananatili ang “heightened alert” kung saan pinaigting nila ang pagbabantay sa United States Embassy at iba pang establisimiyento na nasa ilalim ng pamamahala ng kaalyadong bansa.

Hiniling naman nito sa mga raliyista partikular sa mga militanteng grupo na tiyak magsasagawa ng kilos-protesta na panatilihin ang kaayusan sa kanilang hanay upang masiguro na walang karahasan na mangyayari.

Ito’y makaraang itaas na rin ng US Embassy ang kanilang seguridad dahil sa posibilidad na pagganti umano ng mga kalaban na mga terorista partikular na dahil sa pagkamatay ni Osama bin Laden sa Pakistan nitong nakaraang Mayo.

Ngunit sinabi ng US Department of Homeland Security na wala namang “specific or credible information” na nakakarating sa kanila buhat pa noong Pebrero na may planong sumalakay ang Al Qaeda group ngunit hindi nila ito isinasawalang-bahala dahil sa maaaring magkaroon ng mga maliliit na pagsalakay maging sa mga kaalyadong bansa tulad ng Pilipinas.

Mahigpit ding binabantayan ng NCRPO ang iba’t ibang pangunahing establisimiyento sa kalakhang Maynila tulad ng mga gusali ng pamahalaan, shopping malls, pier, paliparan, train system at mga bus terminals.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply