Mga bagong opisyal ng CBCP ihahalal

MAGHAHALAL ang mga obispo ng Simbahang Katoliko ng mga bagong opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasabay ng idaraos na ika-103 plenary assembly sa darating na Hulyo 8-10 sa Pope Pius XII Catholic Center sa Paco, Maynila.

Ayon sa CBCP,  na binubuo ng 131 prelates (95 ay aktibo at 36 ay retirado na), kabilang sa mga ihahalal ng mga obispo mula sa may 86 na diocese sa buong bansa ay ang bagong pangulo at mga miyembro ng CBCP permanent council na kakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Inaasahang maghahalal din ang mga obispo ng bagong bise presidente, secretary-general, assistant secretary-general at chairperson ng iba’t ibang komisyon, komite at mga tanggapan.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing presidente ng CBCP si Bishop Nereo Odchimar ng Tandag at bise presidente naman si Archbishop Jose Palma ng Cebu.

Ito ang unang termino ng dalawa.

Nabatid na ang pangulo at bise presidente ay inihahalal para sa dalawang-taong termino at maaaring magsilbi ng dalawang termino.

Kung pagbabatayan ang tradisyon, inaasahang mahahalal muli ang dalawang nabanggit na obispo para sa kanilang ikalawa at huling termino.

Maging ang mga miyembro ng permanent council ay nagsisilbi rin ng dalawang termino, at ang ikalawang pangulo ang pumapalit sa pangulo sa oras na nagtapos na ang termino nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply