Mga bangkay ng nalunod na Kano, HK national narekober

OLONGAPO CITY—Narekober na ng mga rescuer ang bangkay ng Amerikano at Hong Kong national na naunang napaulat na nawawala makaraang galugarin ng mga ito ang isang World War II shipwreck sa Subic Bay noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Romeo Renojo, chief maritime security officer ng Subic Bay Metropolitan Authority, wala nang buhay ang Amerikanong si Steven Brittian nang makuha mula sa engine room ng barkong USS New York Martes ng umaga.

Nauna rito, nakuha ang katawan ni Tin Shun Chuen, isang Hong Kong tourist, gabi ng Lunes.

Ang dalawang diver ay huling nakita ng kanilang kasamahang maninisid na si Chow Fung Lung dapithapon noong araw ng Linggo sa nabanggit na wreck site.

May paniwala ang mga awtoridad na kinapos ang tangke ng hangin ng mga biktima habang sumisisid sa lalim na mahigit 100 piye. Bukod dito ay malabo umano ang tubig sa loob ng lumubog na bapor.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na trahedya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply