Mga ‘bigats’ sasabak ngayong hapon

MASASABAK ang dalawang maituturing na mabibigat na team ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para makapantay sa maagang nangungunang Lyceum of the Philippines University Pirates sa pagpaputloy ng laro sa The Arena sa San Juan City.

Kapwa nagwagi sa una nilang laro haharap ang San Sebastian College-Recoletos laban sa St. Binilde Blazers na susundan ng pagsungkit ng ikalawang panalo ng San Juan de Letran Knights laban sa host na University of Perpetual Help Daltas na nasa ikatlo nilang pagsabak.

Angat ang Stags ni coach Topex Robinson dahil magbabalik laro na si Calvin Abueva mula sa isang game suspension. Parehong galing sa panalo ang Knights laban sa Mapua Cardinals, 76-65, at ang Stags na nagpabagsak sa Jose Rizal Heavy Bombers sa iskor na 73-67 sa kanilang initial games.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply