Mga guro sa Quezon prov panay ang panghihingi

SA Buenavista Elementary School sa Quezon Province ay talamak ang panghihingi ng mga guro ng kung ano-ano sa mga mag-aaral.

Kung anoman ang mga hinihingi ng mga guro ay dapat lamang na malaman ito ng Department of Education dahil tila lumilihis sila sa panuntunang ‘no collection policy.’

Ano ba ‘yan, Education Secretary Armin Luistro, mukhang hindi sinusunod ng mga prinsipal at guro ang inyong pinaiiral na ‘no collection policy’ sa mga pampublikong paaralan.

Patuloy raw na nanghihingi ng kung ano-anong pagkakagastusan ang mga guro sa mga bata na ang nahihirapan ay ang mga magulang ng mga ito sa mga gastusin.

Mr. Sec. Luistro, basahin ninyo ang reklamo ng mga magulang.

Pakibigay-alam lang sa DepEd na sa Buenavista Elementary School ay talamak  ang panghihingi ng mga teacher ng kung ano-ano sa mga bata na ang nahihirapan ay ang mga magulang.

Mababa na ang isang daang piso na hinihingi para pambili ng ceiling fan pero wala namang nabibili.

Ginagamit ang pera sa pansarili ng mga teacher.

Pakiabot lang sa DepEd para malaman ang nangyayaring ‘kurakutan’ sa Buenavista.

***

Calixto Boy sabit sa 2007 poll fraud

ANG administrador daw ni Pasay City Mayor Tony Calixto ay si Bong SERRANO, isa sa umano’y akusado sa pandaraya sa Mindanao noong 2007, kasama si FG.

Dapat lang na maimbestigahan ito ng mga mambabatas at malaman ang totoo.

Sa testamento mismo ni ex-ARMM Gov. Zaldy  Ampatuan, nag-order umano si  dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na dayain ang 2007 elections.

Binanggit ni Jerry Baja ng ABS-CBN ang name ni Serrano na siyang operator ni Sen. Migs Zubiri pero itinanggi naman ng huli.

***

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply