Mga hunggang ang nakaisip na ipagbawal ang paninigarilyo sa pelikula

HOW true na may inilabas na direktiba ang Metro Manila Development Authority (MMDA), kaugnay sa mga kasaling pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011, na may kinalaman sa kanilang anti-smoking campaign sa lungsod? Diumano, ipagbabawal daw sa mga eksena ng pelikula ang paninigarilyo. Hahaha! Kung sinuman ang nakaisip nito ay napakalaking istupido.

Pinakialaman na nila ang mga indibidwal na naninigarilyo, pati mga filmmaker na ang hangad lang ay magbigay ng entertainment sa pamamagitan ng matinong pelikula, na ang eksenang paninigarilyo halimbawa ng artista ay sa pelikula lang at hindi naman lalabas ang usok sa screen at malalanghap sa loob ng sinehan ay kanila raw ipagbabawal.

Asan ang logic doon, mga hunghang?

Reaction tuloy ng isang kilala naming 75-year-old na smoker; “Ano to martial law? Anong kinalaman ng eksenang yun na may naninigarilyong karakter sa kanilang kampanya e, pelikula lang yun? Bakit ang hindi pagbawalan ay yung isang mama sa Malakanyang na naninigarilyo din? Kung ipagbabawal nila ang eksenang naninigarilyo ang mga artista sa pelikula, e di ipagbawal na rin nila ang nagbabarilan sa pelikula. Ipagbawal nila yung mga nagliligawan at baka may mabuntis at masama ang sigarilyo sa buntis. Idemanda nila ang lahat ng mga pabrika ng sigarilyo. Ipakulong nila ang mga nagtatanim ng tabako.

“Hindi ko alam kung anong utak mayroon itong iba nating mambabatas, at para masabi lang na may naipasa silang batas, kahit alam nila na sila’y lalabag sa karapatang pantao ay isusulong nila. Ni hindi nga nila masugpo-sugpo ang talamak na bentahan ng droga, heto at pati karapatan ng ibang tao ay kanilang pinakikialaman. Sobrang mga istupido sila!”

***

BUHAY pa pala ang Baywalk Bodies ni Lito de Guzman, at hindi namin ito malalaman kung hindi namin sila nakita sa launching ng Pillow Fight Manila 2011 ng Hotel Sogo, kamakilan. Naroon ang mga seksing hitad at nakipaghampasan ng unan sa mga alaga naman ni Gorgy Rula, ang Hotmen.

Ano nga ba ang Pillow Fight Manila 2011? Isa itong campaign to gather the largest number of individuals to break the record of the World’s Largest Pillow Fight. They aim to gather 5,000-strong Filipinos, to do pillow fight and break the existing world record. The record breaking event is set to happen sometime during the fourth quarter.
The event will also include an entertainment-filled celebration of pillow fight’s success.

Pillow fights have turned into an organized outdoor pop culture thing in other countries. In 2010, Pillow Fights were held in several cities in the USA, Canada, Spain, Poland, the UK and even Hong Kong. April 2 is set as the International Pillow Fight Day. Everyone, especially the younger members of the society will now look forward to this event, a fun and exciting thing uncommon to Filipinos.

Hotel Sogo will introduce this good-humored lighthearted event to the Filipinos by holding the biggest pillow fight event ever: the largest in the Philippines, the biggest in the planet.

***

TUWANG-TUWA si direk Alex Marcelino nang makausap namin nung isang gabi sa Music Box… Siya kasi ngayon ang proud owner ng isang brand-new Hyundai Accent na kotse. “Isulat mo, Ernie, na ipinagmamalaki ko ang kotseng yan, na regalo sa akin ni Senator Lito Lapid,” say ni Direk Alex.

Para sa mga hindi nakakaalam, ilang dekada na rin ang pagkakaibigan nina Sen. Lito at Direk Alex. Nung Vice Governor pa lamang si LL, kahit busy si Alex sa pagdidirek noon sa ibang programa ni Inday Badidad (SLN), nagsa-sideline siya bilang PR Man ni Lito. Dumalas ang pagsasama noon nina Lito at Direk Alex nang maging Governor na ang una. Naging official personal aide si Direk Alex nang maging Senador na si LL.

In fairness, ayon kay Direk Alex, hindi raw niya hiningi ang nasabing kotse kay Sen. Lito. Kusa itong ibinigay sa kanya lalo na nung malaman nito na pupugak-pugak ang dating ginagamit na sasakyan ni Alex, dahilan upang ma-late ito sa iba niyang lakad na may kaugnayan sa Senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply