Mga kaganapn sa Olongapo City

MAGANDANG balita para sa mga Olongapeño ang muling pagbubukas ng Kalaklan gate na nag-uugnay sa nabanggit na lungsod sa Subic Bay Freeport gayundin sa kanugnog na lalawigan ng Zambales.

May isang taon din na nagtiis ang mga residente roon at mga motorista dahilan sa grabeng trapiko na naging dulot ng pagsasara noong Hunyo 2010 ang nasabing tulay upang bigyang daan ang konstruksyon sa mahigit limang dekada nang Kalaklan bridge na gawa pa noon ng mga Amerikano.

Sa pagbubukas nito noong nakaraang Hulyo 11 ay naging kapansin-pansin na muli na namang naging abala ang lugar kung saan dito nagdaraan ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga kompanya at mga estudyante  sa loob ng Freeport zone.

Kapansin-pansin na kulang ang mga regular bus service na masasakyan kung kaya’t ang mga trabahador at estudyante ay napipilitang sumakay sa mga taxi na nakapila roon.

Ang masakit nito, ang bagong takdang flagdown rate ay P50 para sa malapitang biyahe- P70 hanggang P120 patungo naman sa mga industrial, housing at eskuwelahan sa lugar.

Ang pagsakay dito sa taksi ay lubhang dagdag pabigat sa isang ordinaryong kawani at mga estudyante.

Marapat lamang na pagtuunan sana ito ng pansin ng mga nanunungkulan sa Freeport zone kung tama ba ang P50 na flagdown rate kumpara sa mga taksi sa labas ng sona.

Napapanahon na rin na pag-aralan ang pagpapatupad sa pagme-metro sa mga taxi service sa Freeport upang malaman ang tamang bayad ng mga pasahero doon at makatipid na rin sa pamasahe.

o0o

Saludo ang Huli Yan sa mga PUJ driver sa rutang MCU/Malinta/Meycauayan patungong Sta. Cruz ar Pier 15 dahil sa malasakit nila sa mga senior citizen na sumasakay.

Inilalaan nila ang magkaharapang huling upuan para sa mga may edad na at kung siksikan ang sasakyan ay pinakikiusapan nila ang mga pasahero na pagbigyan ang mga lolo at lola ng mauupuan para sa kapakanan ng mga mahihina na ang tuhod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply