Mga kongresista gigisahin sa PCSO anomaly

PINAGPAPALIWANAG sa publiko ang mga kongresista na sinasabing nakinabang sa multi-million peso funds mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasabay ang hamon ng isang lady solon na ilatag ang ebidensya ng naturang ahensya sa korte laban sa mga ito.

Ayon kay Zambales Rep. Milagros Magsaysay, House assistant minority leader, mahalaga umanong mabigyang linaw ng naturang mga mambabatas ang kanilang pagkakaugnay sa maanomalyang paggamit sa pondo ng naturang ahensiya.

Iginiit din ni Magsaysay sa PCSO na dalhin na sa korte ang mga ebidensya hinggil sa usapin.

Batay sa lumabas na report, walong kaalyado ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macdapagal-Arroyo ang nakinabang sa kabuuang P92.2 million “medical aid” mula sa PCSO.

Kabilang sa mga ito ay sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo na sinasabing nakatanggap ng P500,000 para sa Naga City hospital; Quezon Rep. Danilo Suarez na umano’y tumanggap ng P68 million para sa 16  ospitals sa kanyang distrito; Negros Oriental Rep. George Arnaiz; Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado; Nueva Ecija Rep. Antonino; Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez; dating Bulacan Rep. Lorna Silverio at dating North Cotabato Rep. Emmylou Talino Mendoza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply