Mga mambabatas rumampa sa red carpet

NAGRAMPAHAN sa red carpet ng Kamara de Representantes ang mga babaing mambabatas maging ang asawa ng mga kongresista suot ang kani-kanilang gown na dinesenyo ng mga kilalang fashion designer.

Gaya ng inaasahan, hindi pa rin nagpahuli sa pagrampa si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na glamorosa pa rin sa kaniyang suot na bulaklaking pink gown na aniya’y recycle lamang.

Dalawang oras bago ang state-of-the-nation address (SONA) ay nagsimula ng magdatingan sa Batasan ang mga mambabatas maging ang kanilang pamilya.

Kulay peach ang ternong gown ni Vice Presidential daughter Marlen Abigail Binay kasama ang kaniyang anak na babae na naka-gown naman ng kulay pink.

Sabay na dumating sina Senador Bong Revill at at Cavite Rep. Lani Mercado na naka-barong gown na kulay biege na aniya’y dinesenyo ng sikat na fashion designer na si Rajo Laurel.

Mas tumingkad naman ang kaputian ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez sa kaniyang pink floral gown na gawa ni Randy Ortiz.

Si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy ay suot ang puting terno na may disenyong itim na lace na nilagyan pa ng yellow ribbon pin at pinaresan ng kulay dilaw din na handbag, kasama niya ang kaniyang asawang naka-barong.

Ang hapit manamit na si DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay na kasama ang kaniyang ina ay suot ang kulay ubeng gown na gawa ni Cary Santiago.

Umagaw naman ng pansin ang Batawi o pure Tausug costume ni Sulu Rep. Nur Ana Sahidulla na aniya’y sarili niyang disensyo dahil sa pagiging makulay nito na tinernuhan ng orange na bag at pulang sapatos.

Simpleng silver-gray modern day Filipiniana gown na gawa ni Mia Urquico ang suot naman ni Senator Pia Cayetano.

Kapuna-puna rin ang pagrampa sa red carpet ng maybahay ni House Deputy Speaker Raul Daza na si Mrs. Tessie Daza dahil ipinangalandakan nito sa lahat ng mamamahayag at photographers ang kaniyang kuko sa kamay at paa na may disenyong yellow ribbon samantalang siya ay naka-gown ng kulay orange at yellow.

Sa mga congressman ay dumating sa kaniyang Katipunero attire si Kabataan Party-list Rep. Raymondo Palatino samantalang si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat ay naka-suot ng lokal na barong na may headress.

Sa mga kongresistang rumampa sa red carpet ay nagmistulang teenager naman si Pasay City Rep. Emy Calixto dahil sa baby pink gown nito na pinartneran ng pink na pusod kasama ang kaniyang asawa na naka-barong din.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply