Mga paring gahaman

SADYANG may kahinaan ako sa arithmetic, kaya kung sasabihin ko na mga 90 percent ng mga pari, kasama na ang kanilang mga Obispo ay tila mukhang gahaman ay maaaring mali ako sa kuwenta.

Ganoon pa man, kung magkano man ang perang nahingi nila sa Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO) at kay dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo para pambili ng kanilang mga sport utility vehicle SUV), malamang na mahirap na itong maisauli kung halaga ang ating pagbabatayan.

Alam naman ninyo na may depreciation cost ang mga sasakyan. Ang isang brand new na sasakyan, kapag nagamit na ito nang kahit isang araw lang,  luma na agad ito at hindi na maibebenta sa dating halaga.

Of course, kung ang gumamit nito ay isang President, katulad ni President Noynoy Aquino, malamang na mag appreciate pa ito, katulad ng Porsche ni PNoy.

May mga bagay rin namang mahirap sukatin ng salapi, tulad ng karangalan.

Ang mga pari ay galit sa Lotto dahil labag daw ito sa Bibliya at sa panununtunan ng Simbahang Katoliko. Kung mortal sin ang lotto, samakatuwid, ang perang galing sa lotto ay masama rin.

Kung ganoon, bakit ang mga pari ay panay ang hingi ng pera sa PCSO?

May palusot ang iba. Ang sabi ng mga pari, para raw sa charity ang perang gagamitin nila para sa mga mahihirap. Para silang Robin Hood, kung ganoon.

Really? Bilyon-bilyong dolyar ang hawak ng Catholic Church. Ang Papa ay may brand-new Volvo, bullet proof pa. At ang kataka-taka, ang Volvo ni Pope Benedict ay luxury sports car na bigay ng Volvo mismo. Bakit kaya ang hilig nila sa sports cars?

May sariling jumbo jet ang Papa. Si Papa Jesus nga, donkey lang ang ginamit sa biyahe niya papuntang Jerusalem.

Sa dami ng pera ng Simbahang Katoliko, ni isang simbahan wala itong naipatayo. Lahat ay galing sa mga nananampalataya.

Ni isang school para sa mahirap ay wala silang naipatayo. Ang kanilang mga school, kasama na ang ari-arain ng mga madre, ay para sa mga mayayaman lang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply