Mga Pinoy di matawaran pagdating sa musika

MINSAN pang napatunayan ng ang Filipino ay hindi matatawaran ang husay kung musika at pagkanta rin lang naman ang pag-uusapan at ito ay ipinamalas ng isang Filipina na si Ms. Jonna Mae Mateo na taga-Sta. Cruz Laguna. Nasungkit ni Jonna Mae ang kampeonato sa ginanap na Turkish Olympics Song Festival sa Republic of Turkey noong Hunyo 15-30,2011.

One Hundred Forty countries ang nakilahok sa naturang song festival subalit iisa lang ang dapat mag-kampeon at ito’y ang natatanging Laguneña na si Jonna Mae Mateo. Kaniyang nakuha ang Grand Champion sa English at Turkish Song Category at nahakot ang sankaterbang gold medals.

Makikita sa larawan si Jonna Mae Mateo at si Governor Jeorge E.R. Ejercito Estregan habang kinakamayan at papurihan sa natamong karangalan para sa Laguna na ngayo’y unti-unti nang nangunguna.

Ang Laguna’s Queen of Song na si Jonna Mae Mateo ang siya ding tinanghal na Grand Champion sa nakaraang 2011 La Laguna Festival Song Competition.

Samantala, speaking of Gov. ER, kasalukuyang tinatapos nito ang pelikulang “Kingpin,The True Story of Asiong Salonga” na nasa huling linggo na lang ng shooting.

Tinatapos na nila ang principal photography ang halos lahat ng mga importanteng eksena ay nakunan.

Maituturing na All Star Cast ang naturang pelikula, dahil kasama ang mga malalaking artista tulad nina Philip Salvador, Robert Arevalo, Dante Rivero, Carla Abellana, Valerie Concepcion, Paloma at Jaycee Parker na lalabas na mga asawa rito ni Asiong Salonga. Kasama rin sina Baron Geisler, Yul Servo, Dennis Padilla, Ping Medina, Ketchup Eusebio, Amay Bisaya at Gerald Ejercito.

Pawang magagaling din ang mga kontrabida rito tulad nina John Regala, Joko Diaz, Roi Vinzon at Archie Adamos. Mula sa Scenema Concept Films International at sa direksyon ni Tikoy Aguiluz.

***

NAGING matagumpay ang ginanap na medical mission ng Movie Writers Welfare Foundation nitong nakaraang July 17,2011 sa Talisay Batangas kung saan umabot sa mahigit 1000 mga residente ng iba’t ibang barangay sa naturang bayan ang nabiyayaan ng libreng serbisyong medical, dental checkup, eye checkup, salamin, x-ray, pedia, legal at maging libreng hair cut.

Katuwang ng MWWF sa pamumuno ng presidente nitong si Emy Abuan ang “Klinika ni Kuya Daniel Razon” ng UNTV na siyang nagpadala ng buong medical team at sa pakikipagtulungan ng butihing Mayor na si Dra. Zenaida S. Mendoza na labis ang kaligayahan sa ginanap na medical mission ng aming grupo.

Makikita sa mukha ng mga taga-Talisay ang pasasalamat dahil sinabi mismo ng isang konsehal roon na ngayon lang sila ng ganitong kalaking libreng gamutan at hiniling pa nga nila na sana ay maulit dahil inamin nilang hindi nila kayang makapagbigay ng ganitong serbisyo sa kanilang mga kababayan dahil sa limitadong pondo.

Nagpapasalamat rin ang MWWF sa mga taong nagbigay ng tulong tulad ni Dr. Manny Calayan, Marc Cubales ng Senor De Burgos Cooperative at ang Batangas Enhanced Technology Systems Inc. na isang lisensyadong PCSO Small Town Lottery operator sa lalawigan ng Batangas na laging nakaagapay sa mga nangangailangan ng kanilang tulong partikular ang mga foundations na nagbibigay ng charity services sa pangunguna ng kanilang operation manager na si Mr. Armando Casabal at si Atty. Ginete na siyang Communication Head.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply