Mga retiradong sundalo pinigilang kumandidato

ITINUTULAK ni Ang Kasangga Rep. Teodorico Haresco na maisalang sa muling pagdodoktrina ang lahat ng opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasabay na rin ito ng pagpapatupad ng pagbabawal sa sinuman sa hanay ng militar na kumandidato sa posisyon sa pambansang pamahalaan tatlong taon pagkatapos lisanin ang serbisyo.

Layon ni Haresco na matuldukan na ang nagiging mitsa ng military adventurism at ang pakikisawsaw sa pulitika ng mga miyembro ng AFP.

Ang hirit ng kongresista ay kasunod na rin ng lumabas na video ni Col. Generoso Mariano, ang deputy commander ng Naval Reserve Command, na bumabatikos sa pamahalaan.

Ayon kay Haresco, isa ring Marine reservist, bagama’t hindi suportado ng kahit anong organisadong grupo ang ginawang pag-upload ni Mariano sa isang social networking site ng video nito, malaki pa rin ang posibilidad na ang ilan sa mga kasapi ng AFP ay nakikiisa sa sentimyento nito.

“There is a need to fully re-indoctrinate our AFP because it looks like they can no longer see their distinction with the civilian population which makes it okay for them to make a video criticizing their own government,” ani Haresco.

“If Colonel Mariano had been a civilian when he made the video, he is well-protected by the Constitutional guarantee on freedom of expression,” aniya. “But he is a military officer who does not have such kind of privilege.”

Dagdag pa ng mambabatas: “To me, it looks like Colonel Mariano did not see the difference.”

Kaakibat ng hamon ni Haresco sa AFP na burahin ang pulitika sa lahat ng sundalo ay ang panukalang paglikha ng naturang institusyon ng training module na naghihiwalay sa bawat miyembro ng pag-iisip bilang sibilyan at bilang militar.

“This persistent problem on military men being involved in politics might have something to do with the training. Our soldiers are trained with skills in combat but it looks like they are not getting enough indoctrination to dissuade them from being involved into political activities,”  hirit pa ni Haresco.

Naniniwala rin si Haresco na kung magkakaroon ng three-year ban sa pagkandidato sa mga sundalong nagretiro ay hindi mahihikayat ang iba pa na magrebelde at saka papasok sa pulitika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply