Mga sundalong napatay sa engkwentro kinilala na

KINILALA na ni Sulu island command commander B/Gen. Romeo Tanalgo ang mga sundalong napatay sa engkwentro kahapon.

Ang mga napatay na Philippine Marines ay kinabibilangan nina Lt. Micahel Balabad, SOP platoon leader; Sgt. Desiderio Serdan Jr., Pfc. Nico Tinambunag, Pfc. Juanito Evasco Jr., Cpl. Fredie Castellaro Jr., Cpl. Claro Lapasarah at Cpl Ransel Raneza.

Kinumpirma rin ng nasabing opisyal na mahigit sa isang dosenang Abu Sayyaf din ang nalagas sa panig ng mga bandido sa naganap na sagupaan sa Patikul Sulu.

Tumaas na rin sa 26 sugatan pa sa panig ng Philippine Marines kung saan dalawa rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Kaninang umaga ay dumating sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang ilan sa mga nasugatan para sumailalim sa medical treatment, habang nasa punerarya pa sa Zamboanga ang cadaver ng pitong namatay na mga sundalo.

Sa pahayag ng mga sugatang sundalo, sila ang unang nakatumbok sa kuta ng bandido at nagpaputok kung kaya marami rin sa mga bandido ang namatay.

Samantala, ayon kay Naval Forces Western Mindanao commander Commodore Armand Guzman, hanggang sa ngayon hindi tumitigil ang operasyon ng militar sa Sulu laban sa grupo nina ASG Commander Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply