Mga tiwaling auditor, tinukoy ng COA

KINUMPIRMA ng Commission on Audit (COA) na may mga tiwaling miyembro ng ahensya na sangkot sa mga katiwalian at iregularidad.

Sa isang punong balitaan, sinabi ni COA Chairperson Maria Gracia Pulido-Tan na inihahanda na ng kanilang tanggapan ang pagsasampa ng kasong graft and corruption sa Office of the Ombudsman laban sa mga tiwaling auditor.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng COA sa reklamo at sumbong ng mga ordinaryong mamamayan.

Tumanggi naman si Tan na tukuyin ang mga umano’y tiwaling auditor at kung ilan ang bilang ng mga sasampahan ng nabanggit na kaso.

Makikipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng ahensya kay bagong Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang maikasa na ang kaso at mapatawan na ng kaukulang parusa ang mga sangkot.

Mariing itinaggi naman ni Tan na tinututukan ng kanilang audit ang nakalipas na administrasyon.

Ang internal investigation ay isinagawa ng COA upang linisin ang kanilang hanay at masawata ang modus sa loob ng tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply