Mga turista inireklamo ang kabahuan ng Maynila

ILANG TURISTA ang sumulat sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim upang iparating ang kanilang reklamo hinggil sa umano’y walang kaayusan , dumi at baho ng lungsod.

Pangunahing pinupuna ay ang mga naglipanang illegal vendors sa Maynila na dahilan upang tingnan ang siyudad, lalo na ang mga pampublikong pasyalan nito, na hindi ligtas.

Dahil dito, ipinag-utos ni Lim ang “zero-Vendors policy” sa lahat ng mga pangunahing lugar sa siyudad, gaya ng Divisoria, Quiapo at Sta Cruz.

Ayon kay Manila City Adminsitrator Jesus Jay Marzan, na siyang naglabas at lumagda sa pinalabas na memorandum para sa lahat ng city government official  at police officers na nakaksakop sa mga area, galit  na galit ang alkade sa nakarating na reklamo  ng mga turista hinggil sa naglipanang vendors na dahilan upang magmukhang marumi, magulo at nakakatakot para sa mga turista ang lungsod.

Kaugnay nito, nagbabala si Marzan sa kapulisan na kaya siya ang naatasan ni Lim ay upang opisyal na iparating “in writing”  sa mga police officer na oras na may sumuway sa kautusan ng alkade ay nangangahulugan na kinukunsinti nila ang paglaganap ng mga iligal na vendors sa kanilang nasasakupan .

Sinasabing kaya naglipana ang mga iligal vendors sa Sta Cruz Quiapo at Divisoria at iba pang mga lugar ay dahil sa “tong” at “protection racket” ng mga pulis.

Sinabi pa ni Marzan na layunin ng zero-Vendor policy ng alkalde na makapagbagong-anyo ang lungsod at maging “tourist haven” ang buong Maynila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply