Mga utak-talangka sa NPC

KAKAIBA talaga ang mga Pinoy sa lahat ng lahi sa mundo. Hindi gaya ng ibang lahi ay hindi natin alam isabuhay ang salitang pagtutulungan at pagkakaisa.

Halimbawa, mas nauuna na mainggit ang Pinoy keysa matuwa pag nakita niya na umuunlad ang buhay ng kapitbahay o di kaya ay na-promote ang katrabaho niya. Hindi tuloy maiwasan ng ibang mga dayuhan na kantyawan tayo dahil meron daw tayong tinatawag na ‘crab mentality”.

Ang masakit nito ay totoo ang kasabihang ito maging sa hanay ng mga mamamahayag na inaasahan natin na dapat ay tagapagpalaganap hindi lamang ng katotohanan kundi maging ng mabuting pag-uugali.

Nasabi ko ito dahil na rin sa isyung bumabalot ngayon sa National Press Club na kung saan ay may ilang miyembro na maituturing mo talaga na isip- alimango o talangka.

Ang mga utak talangka na ito ang responsable sa pagpapaka-lat ng tsismis na ang P6 milyon daw na pera nang NPC ay ibinulsa ni ex-NPC President Benny Antiporda.

Lahat ng mga mamamahayag na nakakikilala kay Pangulo (tawag kay Benny) ay napahalakhak nang malakas ng paputukin ng isang taga NPC ang tsismis na ito. Kilala kasi si Pangulo ng marami sa NPC na hindi mo puwedeng pagdudahan o sukatin pagdating sa pera.

Siya nga ang nag-iisang tao na hindi ka mapapahiya kung lalapitan mo siya at nasa mahigpit kang pangangailangan.

Ang hindi lang alam ng karamihan ay marami siyang tinutulungang mga cancer patient at ipinagagamot pa sa ibang bansa para lang mabuhay gamit ang sariling pera.

Siya din ang pasimuno kung bakit may scholarship ang mga batang nasa kolehiyo na anak ng mga lehitimong kasapi ng NPC.

Libo-libo ang inilalabas niyang pera pero hindi niya ipinagyayabang at ipinagkakalat ito. Tapos bigla siyang pagduduhan sa pera na alam naman ng lahat na intact at nakalaan sa NPC housing project.

Ang masasabi ko lang puwede mo siyang pagdudahan sa babae o sa iba pang bagay pero hinding-hindi sa pera. Di ba, Pareng Nats?

Kaya sa mga naninira sa kanya ay gusto kong ipaalam sa inyong lahat na kawawa naman kayo kasi hinding-hindi ninyo puwedeng sirain ang mabuting tao na gaya ni Pangulo.

Ang balita ko ay plano pa nang utak talangka na ito na tumakbong pangulo sa NPC.
He-he!!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply