Michelle Madrigal dedma sa rape isyu ng Azkals

nang magbigay ng reaksyon ni Michelle Madrigal sa tsismis na siya ang babaeng ginahasa raw ng tatlong member ng Azkals (kahit na may sumulpot na model na nagpa-interview sa TV na siya raw ang biktima ng rape).

Sabi ni Michelle, hindi raw totoo ang tsismis kaya wala siyang dapat sabihin.

Ang hater niya sa Twitter ang itinuturo ni Michelle na nagpasimuno ng tsismis na siya ang babaeng inabuso kuno ng tatlong Azkals.

Ikinagulat nga raw niya na sangkatutak ang nagtu-tweet sa kanya kung totoo ba ang tsika sa kanya at sa Azkals.

Sabi pa ni Michelle, walang magawa ang kanyang haters kaya isinasangkot siya sa isyu.

Pinagdiinan ng aktres na personal niyang desisyon ang umiwas na magbigay pa ng opinion tungkol sa isyu at walang kinalaman dito ang GMA 7.

Hindi raw siya involved doon kaya hindi siya dapat maglabas nang kung anu
-anong statement.

Bilang patunay na hindi siya ang na-rape, pinagdiinan niyang kaibigan pa rin siya ng Azkals at suportado pa rin niya ang mga ito.

Aminado naman si Michelle na sumasama siya sa imbitasyon na gimik ng Azkals dahil kaibigan niya ang mga ito at wala siyang nakikitang masama rito.

***

Nagpaunlak magpa-interview si OMB Chairman Ronnie Ricketts sa kanyang opisina sa Quezon City tungkol sa ginawa nilang pagre-raid ni Mayor Alfredo Lim sa Quiapo kamakailan.

Marami kasi ang nagulat sa ginawang pagre-raid nila ni Mayor Lim sa naturang lugar na sinasabing pinaka-“puso” ng bentahan ng mga pirated DVD ng mga local at foreign films, kasama na rin ang mga pirated na music ng local at foreign.

Sabi ni Chairman Ronnie, matagal bago nila naisakatuparan ang pagre-raid sa Quiapo. Binging-bingi na raw kasi siya sa mga naririnig kapag nag-raid sila sa ibang lugar.

“Bingi na ako sa mga sinasabi ng mga na-raid namin sa ibang lugar. Bakit lumalayo pa raw kami? Bakit hindi raw namin magalaw ang Quiapo na siyang bagsakan at pinanggagalingan talaga ng mga pirated na DVD?

“Pinag-aralan ko ito ng mabuti. Nakipagpulong ako kay Mayor Lim at mga lider sa Quiapo para mabigyang lunas at masawata na ang talamak na pagbebenta ng pirated sa nasabing lugar.

“Sa pakikipagtulungan ni Mayor Lim at mga lider sa Quiapo kaya nagawa naming ipasara nang maayos ang bentahan ng pirated na walang dahas na nangyari,” paliwanag pa ni Chairman Ronnie.

After Quiapo, ang next target nila ay sa Quezon City, Mandaluyong, Pasay City at iba pa. Mga lugar na naglipana ang pagbebenta ng pirated DVD.

Would you believe? Noong kauupo pa lang niya as OMB Chairman ay inalok at binentahan siya ng pirated DVD habang sakay ng kaniyang kotse?

Nakahinto raw ang sinasakyan niya nang may lumapit na lalake at binebentahan siya ng pirated DVD.

Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng kotse at sabay dakma sa lalaking naglalako sa kalye pa mismo.

Winarningan lang niya ang lalake at sinabihan na itigil ang pagbebenta ng pirated dahil ito ay pinagbabawal.

Hindi rin itinanggi ni Rockets na nakarating sa kanya na mga producers din daw ang may pakana ng pagbebenta ng mga pirated na pelikula at kanta, pero lahat naman daw ng mga ito ay tsismis lang dahil pina-monitor niya ang mga ito at napahiya siya dahil hindi naman totoo.

Samantala, lahat ng mga nahuhuli nilang pirated DVDs ay dinadala nila sa opisina ng OMB para sirain at napagtanto na nabibili ito dahil ginagawang plastic.

Yung pagbebentahan ay ibibigay nila sa Treasury kaya nakakatulong na sila sa kaban ng bayan at masasawata pa nila ang talamak na bentahan ng mga pirated sa ating bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply