Mike Arroyo sa ‘ER switching’ inasahan na ng Malakanyang

HINDI na ikinagulat ng Malakanyang ang pagsingaw ng pangalan ni dating First Gentleman Mike Arroyo bilang “financier” ng umano’y “election returns (ERs) switching” noong pampanguluhang halalan noong 2004. 

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, noong taong nabanggit mismo ay lumutang na ang pangalan ni Arroyo bilang sangkot sa nasabing dayaan.

Sinabi ni Valte na sinisilip na ni Justice Secretary Leila de Lima ang alegasyon.

“Magkakaroon na nga po sila ng joint probe on the alleged election fraud na nangyari noong 2004. In tandem with Comelec, titingnan po natin iyong mga ebidensiyang maipo-produce doon sa magiging probe po nila,” anito.

Sinabi rin ni Valte na ang mga imbestigador na bahala sa akusasyon ni Arroyo ang pagkakadawit niya sa pandarayang nabanggit ay bahagi ng “political prosecution.”

“Whether the evidence… will be judged as hearsay will be up to the investigators,” aniya. “Hintayin na lang po natin iyong magiging sagot nila kung sakali.”

Itutuloy umano ng Malakanyang ang paghahanap ng katotohanan sa mga nangyari noong 2004 at 2007 elections.

Nitong Huwebes ay iniharap sa Department of Justice (DoJ) si Senior Supt. Rafael Santiago para ibulgar ang partisipasyon ng kanyang grupo sa pagnanakaw at pagpapalit ng election returns noong 2005 sa Batasang Pambansa.

Una nang sinabi ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo na luma ang mga sinasabi ng mga testigo at wala namang mabigat na ebidensya laban sa kanya at kanyang asawa.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na tiwala ang Palasyo NA suportado ng taumbayan ang imbestigasyon ng Comelec at DoJ.

Inihayag ni Lacierda na hindi na mahalaga kung maparusahan pa ang dating Pangulong Arroyo sa alegasyong pandaraya dahil hangad na lamang nila ngayon ang katotohanan.

“I don’t think the people will disagree with us when we say that we are all after the truth,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply