Mike Arroyo sinungaling — Ping Lacson

INILARAWAN ni Sen. Panfilo Lacson si dating First Gentleman Mike Arroyo na “talamak na sinungaling” matapos ang pagtanggi sa ibinentang helicopter.

Nauna rito ay sinabi ni Arroyo na hindi pag-aari ng kanyang pamily niya ang helicopter na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) sa halagang P150 milyon.

Pero iginiit ni Lacson na mayroon siyang pinanghahawakang matitibay na ebidensyang nagpapatunay na pag-aari nga ng pamilya Arroyo ang naturang helicopter.

Una rito, nadiskubre ni Lacson na bumili ang PNP ng second-hand na helicopter mula sa pamilya Arroyo sa halaga ng isang brand new.

Nang malantad ang umano’y anomalya, umalma si Arroyo, na nagsabing sa isang pribadong kumpanya at hindi sa PNP nila ibinenta ang kanilang Volco helicopter.

Una nang ibinunyag ni Lacson na dalawa sa tatlong biniling helicopter ng PNP ay mula sa pamilya Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply