Mike Arroyo utak sa 2004 elections fraud

IBINUNYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na isang police official ang nag-ugnay kay dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa pagpapalit ng original 2004 election returns ng peke pabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni de Lima na batay sa affidavit ni Senior Superintendent Rafael Santiago, ang dating first gentleman ang nagpondo ng operations sa pagnanakaw ng returns sa House of Representatives noong Enero 2005.

Pinalitan umano ang ninakaw na election returns ng peke upang tiyakin na mananalo si Arroyo sakali mang magkakaroon ng muling bilangan sa 2004 presidential polls.

Sinabi pa ni de Lima na nais  ni Santiago at ng ilan pang pulis na kasama sa operation na na sumailalim sa  witness protection program.

Matatandaang hiniling noon ng actress na si Susan Roces, maybahay  ng namayapang actor na si Fernando Poe Jr., na magkaroon ng recount.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply