Mike Jones pinaghahandaan na si Pacquiao

NAGHAHANDA na ang pambato ng Philadelphia na si Mike Jones sa kanyang laban kay Manny Pacquiao sa hinaharap.

Si Jones ang sinasabing isa sa napipisil na makakalaban ni Pacman sa 2012 na inamin din mismo ni Top Rank boss Bob Arum.

Kamakailan ay bumandera ang pagdurog ni Jones sa second round kay Raul Munoz sa South Philly Arena.

Maging ang kampo ni WBO welterweight champion and pound-for-pound king Pacquiao ay hindi naman itinatanggi ang posibilidad na pagharap niya kay Jones.

“I knew that Munoz was going to come and do exactly what he did. He was going to try to get to me early. I just took my time, felt him out and took care of things in the second round,” ani Jones.

Umaasa si Jones na matutuloy ang laban niya kay Pacman subalit kailangang magkaroon muna siya ng isa o higit pang tune-up fights.

Ilan nga sa mga inaasahan niyang laban ay ang rematch kay Jesus Soto Karass.

“It was a big learning experience, probably the biggest one to date in my professional. Because I was used to guys going out of there when I threw a flurry but he stood in there strong like the tough fighter that he is. And he came back punching at the end of it. I lost my legs in the midst of it all but I had to find a way to finish the fight,” pahayag ni Jones.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply