Militar vs NPA: 1 rebelde patay

ISANG ang napatay sa hanay ng New Peoples Army matapos makaengkuwentro ang militar umaga ng Martes, ika-5 ng Hulyo sa Bulan, Sorsogon.

Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga sundalo nang mamataan ang mga rebelde sa Brgy. Palale sa naturang bayan. Nagkapalitan ang mga ito ng putok kung saan umabot ng 20 minuto ang bakbakan.

Nabatid pa sa ulat na umatras ang mga NPA nang mapatay ang isang kasamahan nito. Binitbit nila ang kanilang casualty samantalang naiwan ang ibang matataas na kalibre ng baril sa pinangyarihan.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga militar sa mga tumakas ng mga rebelde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply