Minahan sa Bicol nag-angat sa koleksyon ng BoC

NILAGPASAN ng Bureau of Customs Bicol Region ang target  collection nito sa unang bahagi ng taon ng mahigit 100 porsiyento dahil sa buwis at duties sa import at export na binabayaran ng mga kumpanyang nagmimina sa rehiyon.

Ayon kay BOC regional chief Titus Sanguil, nakakolekta ang kanyang opisina ng P113.3 milyon customs duties mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, malayo sa target na P56.7 milyon.

Mataas umano ang halaga ngayon ng 57.02 porsiyento kumpara noong 2010 na umabot lamang sa P44.08 milyon.

Ang mataas na koleksiyon ay nagmula sa kompanya na tumaas ang mga pag-e-export tulad ng Rapu-Rapu Pliymetallic Project na pagmamay-ari ng Rapu-Rapu Minerals Incorporated(RRMI) sa Albay, Masbate Gold Project ng Fimenera Resource Corp. sa Aroryo, Masbate at Good Found Cement Corporation sa Camalig, Albay.

Sinabi din ni Sanguil na ang pagyabong ng industriya ng pagmimina sa Bicol ang lubos na dahilan sa pagtaas ng koleksyon ng mga buwis mula sa pag-e-export ng ginto, tanso, zinc iba pang mineral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply