Minimum wage ng kasambahay isinulong

INIHAIN ni Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla na ipatupad ang minimum na sahod at paghuhulog ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga kasambahay.

Pangunahing layunin ng House Bill No. 4896 ni Mercado-Revilla na amyendahan ang Labor Code of the Philippines, partikular na ang Chapter III of Articles 141, 142, 143, 148 at 151.

Batay sa panukala, ang mga household helper, o mas kilala bilang kasambahay, na namamasukan sa National Capital Region ay dapat bayaran ng minimum salary na P3,000, habang ang iba na nasa chartered cities at first-class municipalities ay bibigyan ng buwanang sahod na  P2,500 samantalang sa iba pang munisipalidad ay P2,000.

Ipinaliwanag ni Revilla na ang hakbang ay bilang pagkilala kung gaano kahirap ang trabaho ng isang kasambahay

Inaatasan din ang mga employer na gumawa ng kasulatan kung magkano ang buwanang sahod ng kanilang kasambahay at paanong paraan ito babayaran kabilang na dito ang kanilang taunang salary increase.

Ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBS) ang siyang naatasan na magrebyu ng pasuweldo sa mga kasambahay kung tama ang ibinabayad sa kanila.

Bukod sa minimum wage dapat din nakalista ang duties at responsibilities ng mga kasambahay at kinakailangan din ilagay maging ang oras ng trabaho gayundin kung kailan ang kanilang day off.

Pinagbabawal din sa panukalang batas ang pag-ipit ng sahod ng kasambahay o pagpilit na ibigay ang bahagi ng kanilang suweldo sa pamamgitan ng pananakot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply