Miriam magpapasabog sa imbestigasyon vs Pajero 7

BAGAMAT tiniyak ng Senate Blue Ribbon committee na irerespeto ang pitong Obispo na nakatakdang dumalo sa imbestigasyon sa PCSO fund scam, mukhang may papasabugin si Sen. Miriam Defensor – Santiago hinggil sa konstitusiyunal ng isyu sa mga pari.

Ayon kay Santiago, lumiham siya kay Sen. Teofisto Guingona III na payagan siyang magbigay ng ilang pagsusuri sa legalidad ng pamimigay ng SUVs sa pitong Obispo alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas bago simulan ang pag-usisa sa mga pari.

Partikular na tatalakayin ni Santiago, ayon sa liham kay Guingona, ang ilang constitutional issues na dapat munang mailantad bago makapagsalita ang mga Obispo.

Balak sana ng Blue Ribbon Committee na simulan ang pagdinig sa paliwanag na ibibigay ng mga Obispo ngunit naunsiyami ang plano ni Guingona sa liham ni Santiago.

“Tatalakayin ko ang ilang constitutional issues hinggil sa usapin nang pagtanggap ng mga Obispo ng donasyon mula sa PCSO,” aniya.

Ngunit, nangako naman ang senadora na kapag natapos ang kanyang presentasyon sa isyung konstitusiyunal, kaagad itong aalis ng pagdinig dahil hindi siya maaaring magtagal sanhi ng karamdaman.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Guingona na irerespeto ng komite ang mga Obispo sa kanilang pagdalo sa imbestigasyon, at hindi ipapahiya tulad ng ginagawa ng ilang senador sa resource person o witness na ipinatatawag tuwing may imbestigasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply