Miron ng SONA at opisyal ng Gapan City

MALIWANAG na naintindihan ng masang Filipino ang mensahe ni PNoy sa SONA– State of the Nation Address: maayos na paghawak ng pera ng bayan na bilyong piso ang natipid at dahil dito ay naakit ang mahigit sa 140 foreign investors na maglagak ng pondo ukol sa natural gas at oil  exploration.

Laman din ng SONA ang  patuloy na paglaban sa korapsyon; job generation sa loob ng maikling panahon; nabawasan ang kahirapan, pag-angkat ng bigas; at pagkakaloob ng bahay sa mga sundalo at pulis.

Sinabi ni PNoy: ang sa Pilipinas ay para sa Pilipinas na ang tinutukoy ay mga pulo sa West Philippine Sea. Dapat lamang na ipagtanggol ang soberenya, dignidad at integridad ng ating bansa.

Ito ay magagawa sa pagdating ng barkong Gregorio del Pilar mula sa Amerika at iba pang kagamitan para sa ating mga sundalo.

Panahon nang kalimutan ang kultura ng negatibismo at panatilihin sa ating mga puso at damdamin ang magandang kaugalian ng paggalang at respeto.

Walang respeto at pag-galang ang mga opisyal sa Gapan City, Nueva Ecija: pinalayas ang nangungupahang mga tindera sa itaas ng palengke.

Ang palengke ay inutang sa bangko at ang pera ay mula sa taumbayan.

Ang ipinagtataka at ikinaluluha ng mga tindera ay kung bakit sila pinaalis, samantalang bayad na ang kanilang mga puwesto.

Ang mga tindera ay parang hayop na itinaboy sa isang lansangan na itinuturing na national highway patungo sa Penaranda, Nueva Ecija.

Dahil dito, hindi lamang mga tindera ang nagharap ng reklamo, kundi pati mga operator at driver ng iba’t ibang sasakyan na tutol din sa  pagsasara ng nabanggit na lansangan.

Ang sabi ni Mayor Christian Tino ng Gapan City – ang puwesto ng mga dating tindera sa itaas ng palengke ay dapat ibigay sa mga biktima ng sunog – at ito nga ang nangyari. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply