Misamis Oriental, 3-0 sa Liga Pilipinas

MAAGANG winalis ng Misamis Oriental ang 4-team composition sa Liga Pilipinas Conference V Misamis Oriental leg sa pagpapabagsak sa Cebu Landmaster RDAR-Mandaue sa iskor na 80-74 sa larong ginanap sa Xavier University Gym noong Biyernes.

Sa kanilang pagkakapanalo naitala ng Meteors at naiwasan ang 3-way tie kapantay ng Cebu Lhuiller Niños at ng Cebu Landmaster sa 2-1 slate. Pumang-apat ang MP Warriors Gensan ni pound-for-pound king Manny Pacquiao.

Si Neil Rañeses ang nagdala ng panalo ng umalagwa ang Meteors sa 70-70 deadlock tungo sa tiyak na panalo ng itala ng 78-70 may 1:25 ang nalalabi sa laro.

Makahaharap ng Meteors ang defending national champion na M. Lhuiller Kwarta Padala Cebu Niños sa finals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply