Misis inutas ng ex-mister dahil sa selos

DAHIL sa matinding selos at sinasabing agawan sa dowry kaya napatay ng isang mister ang kanyang dating misis sa bayan ng Tampakan sa South Cotabao.

Kinilala ang biktima na si Lilibeth Dayem, 33, B’laan tribe member at residente ng  Brgy. Lampitak, Tampakan, South Cotabato.

Sumuko naman ang suspek na si Rudy Daim, 38.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagtamo ng maraming sugat sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima dahil sa pananaga ng kanyang mister gamit ang itak.

Ayon kay PO2 Richard Peñapel ng Tampakan PNP, nagselos ang suspek dahil may bagong kinakasama ang kanyang misis.

Pinag-aagawan din umano ng mga ito ang makukuhang dowry ng kanilang anak na ikakasal.

Napag-alaman na matagal nang hindi nagsasama ang dalawa at may iba na ring karelasyon ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply