Mister binoga ang sarili nang iwan ni misis

MINABUTI na lamang ng isang mister na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbabaril ulo sa halip na magsolo sa buhay nang iwan ng kanyang misis Sabado ng madaling araw sa Caloocan City.

Patay na ng idating sa Manila Central University Hospital sa nabanggit na lungsod ang biktimang si Mark Cesar Gutierrez, 32, may-asawa, residente ng 203 Malolos Ave. East Barangay 157, X-14, D-1 Bagong Silang, Bagong Bo, Caloocan City dahil sa tinamong tama ng bala ng .38 kalibre na baril sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, dakong 2:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Bago ang insidente, gabi ng huling makitang buhay ang biktima na umiinom ng alak at aburido dahil sa hindi umano nito matanggap na iniwan siya ng kanyang asawa.

Nagulat na lamang ang ilang kaanak nang biglang makarinig ng isang putok ng baril na nagmumula sa loob ng bahay nito.

Dahil dito, agad nilang tinungo ang bahay ng biktima at tumambad sa kanila ang duguang katawan ng biktima na nasa sahig katabi ang ginamit na baril.

Dinala pa sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Samantala, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang tunay na motibo nang pagpapakamatay nito o kung may naganap na foul play.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply