Mister binoga ng nakaalitang kapitbahay

DALAWANG tama ng bala ng baril sa mukha ang ikinamatay ng isang lalaki, na pinagbabaril ng kanyang kapitbahay habang naglalakad kasama ang pinsan sa San Antonio, Quezon Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Severino De Torres y Saldua, 35, habang pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si Mark Soliven, 40. Kapwa residente ng Barangay Loob ang dalawa.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Supt. Gil Meneses, direktor ng Region 4A police, bandang 8:30 ng gabi ay naglalakad umano ang biktima kasama ang pinsang si Edwin Reyes nang bigla silang harangin ng suspek.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ni Soliven si De Torres, na tinamaan sa mukha. Hindi idinamay ng suspek si Reyes.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng cal. 45.

Ayon sa imbestigasyon, matagal nang may alitan ang suspek at biktima at ito ang pinaniniwalaang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply