Mister inatake sa puso dahil sa kiss mark

PATAY ang isang lalaki matapos atakehin sa puso nang sabunin ng kanyang misis makaraang mabuwisit sa nakitang kissmark  nito sa katawan, kaninang madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Jun Salazar, 35, ng 1967 LRC Compound, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, dakong ala-1:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nauna rito, dumating ang biktima galing sa kanyang trabaho at nang maghubad ng t-shirt ay nagalit ang kanyang asawa nang makitang may kiss mark ito sa katawan.

Dahil dito ay nag-away ang mag-asawa na makalipas ang ilang minuto ay naayos din hanggang nagpasyang matulog na lamang ang dalawa.

Ilang oras pa nang magising ang biktima at magtungo sa comfort room ay bigla na lamang umanong sumikip ang dibdib ni Salazar at nawalan ng malay tao.

Hinihinalang inatake sa puso ang biktima sanhi ng matinding pagtatalo nila ng asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply