Miyembro ng media binigyan ng seminar sa bomba

SULTAN KUDARAT – Isinailalim sa bomb awareness seminar ang mga miyembro ng media ng Police Regional Office Region 12.

Mismong si C/Supt. Benjarde Mantele, regional director ng PNP-12, ang nag-welcome sa mga participants sa isang araw na seminar.

Tinuruan ni C/Insp. Jomar Alexis Yap, PIO ng PNP-12 at dating hepe ng bomb disposal unit sa Camp Lira, kung ano ang mga nararapat na gawin ng media kaugnay sa mga bomba at ang tamang paghahatid ng impormasyon kaugnay nito.

Pinuri rin ni Yap ang media sa masigasig na pagbibigay ng mga impormasyon sa publiko.

Kabilang naman sa paliwanag ni Insp. Oliver Pauya, hepe ng Explosive and Ordnance Disposal Unit, na hindi basta gagalawin ang anumang pinagdududahang bagay sa halip ay iparating kaagad sa mga awtoridad. Benjie Caballero

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply