MOA sa 2nd batch ng PLM-Off Campus program nilagdaan

MULING lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at National Press Club (NPC) para sa ikalawang batch ng PLM-Off Campus Program.

Ang programang ito na nasa ikalawang yugto na ng kasaysayan ng PLM at NPC ay magbibigay muli ng pagkakataon sa practicing journalists na makakuha ng bachelors degree sa loob lang ng isang taon.

Labing walong mediamen ang miyembro ng unang batch ng PLM-NPC Off Campus Program na  inaasahang ga-graduate na ngayong Oktubre sakaling makapasa sa isasagawang comprehensive exam sa susunod na buwan.

Sila ay may kursong Bachelors in Public Administration (BPA).

Sa ilalim ng panibagong MOA ng PLM-NPC, ang panibagong batch ng Off Campus Program ay magkakaroon ng kursong Bachelors in Business and Public Administration na inaasahang mag-uumpisa ngayong buwan ng Setyembre.

Ang MOA signing ay pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo Lim, PLM president Atty. Rafaelito Garayblas, College of Management and Entrepreneurship (PLM-CME) Dean Neil Gamus, NPC president Jerry Yap at Vice-President Marlon Purificacion bilang coodinator.

Sumaksi sa makasaysayang pirmahan sina PLM board of regents member Renato dela Cruz at Gemma Cruz Araneta, NPC secretary Louie Logarta, Prof.  Antonio Casurao at PLM University Secretary Anchela Y. Biag-Uy.

Sa ilalim ng PLM-NPC Off Campus Program, nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng baccalaureate degree ang lahat ng undergraduate journalists sa loob lamang ng isang taon.

Bukas din ang programang ito sa lahat ng mga mamamahayag na nagnanais kumuha ng panibagong kurso, bukod sa mga naunang bachelors degree nila bago pa man pumalaot sa industriya ng pamamahayag.

Isinasagawa ang klase sa NPC building, tuwing araw ng Sabado na isa ring non-thesis program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply