Modernization sa AFP malabo

ITO ang dahilan kaya pinagtutuunan ngayon ng pansin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang idea na pag-upa na lamang ng mga kinakailangang military equipment sa mga kaalyadong bansa.

Ayon kay AFP spokesman Navy Commodore Jose Miguel Rodriguez, walang modernization, its an upgrade program at hindi mamo-modernize.

Nabatid na dahil dito, pinag-aaralan ngayon ng gobyerno partikular na ng AFP na mag-lease na lamang ng mga pangunahing pangangailangan ng hukbo ayon sa kasalukuyang sitwasyon o panahon.

Ayon pa kay Rodriguez, mas magandang sistema ito at malaki rin ang matitipid ng bansa dahil anumang oras na hindi na nating kakailanganin ang mga military hardware na nirentahan ay maaari na ang mga itong maisauli at nangangahulugan na makakatipid ang gobyerno ng malaking halaga sa maintenance nito habang tumatanda ang mga equipment.

Sinasabi pang maaari ring mauwi ang nasabing sistema sa rent to own or lease and buy later kung saan ay maaari nang mabili ang mga equipment sa mas mababang halaga at mas mabilis na paraan.

Nabatid na nakatutok ang AFP sa US government hinggil sa proposal na leasing of military hardwares pero nilinaw na ni Rodriguez na hindi lang naka-confoine ang Pilipinas sa US dahil marami ring mga bansa na may excess na kagamitan na maaaring ipa-upa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply