Morato ginisa ni Drilon sa TV program na ‘Dial M’

NAGISA nang husto si dating PCSO chairman at board member Manoling Morato sa pagdinig ng Senado kaugnay sa katiwalian sa nasabing ahensiya kanina.

Hindi nakapiyok si Morato nang ilabas ni Senador Franklin Drilon ang video clip ng isang episode ng TV program nito na “Dial M” noong May 5, 2010.

Kitang-kita sa nasabing video si Morato at ang kanyang co-host na si Maggie dela Riva na nangangampanya para sa natalong sina Gibo Teodoro at Edu Manzano at buong senatorial slate nito.

Bukod sa adlib ni Morato na kumakampanya sa nabanggit na kandidato, mayroon pa umanong sticker na nakakabit sa kanilang damit na Gibo.

Sa nasabing video, binatikos din ni Morato si Senador Teofisto Guingona na kumakampanya rin noon bilang senador at maging si Senador Francis Escudero ay hindi rin nakaligtas sa panunuligsa ni Morato.

Dahil dito, sinabi ni Drilon na maliwanag na lumabag si Morato sa Omnibus Election Code at makasuhan ng electioneering dahil hindi dapat gamitin ang pondo ng gobyerno o anumang government resources para sa pangangampanya sa sinumang kandidato.

Ipinakita rin ni Drilon ang board resolution ng PCSO kung saan kasamang pumirma si Morato na nagbibigay ng pondo para sa nasabing programa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply