Morato nabuking sa ‘Dial M’ dahil sa comdey show

NAGSINUNGALING nga ba si dating PCSO chairman Manoling Morato nang sabihin niya sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na ang kanyang “Dial M” ay isang comedy show?

Ang katotohanan, ito’y isang seryosong public affairs program.

Pero kung aaminin ni Morato na siya’y “Anomalya King” at “Hari ng Sinungaling,” tiyak na panini-walaan siya ng karamihan.

Bakit kanyo?

Dahil lahat ng milyones na anomalya sa PCSO na naganap noong nakaraang rehimen ay si Morato ang utak.

He he he!

Hindi nga ba’t ipinagbili niya ang kanyang pinamahalaang hotel sa halagang P785 milyon sa isang kompanyang Malaysian na konektado sa nagpaparenta ng computer system sa ahensiya?

May kinalaman din si Morato sa supplier ng papel na ginagamit sa lotto tickets na ngayon ay pinag-iisipang kanselahin ng bagong PCSO board.

Ginamit din ni Morato ang P27-milyong ng PCSO sa pamumulitika.

Ito ay nang madalas niyang banatan noon sa kanyang programang Dial M, ang mga kandidato noon ng oposisyon na pinangungunahan ni Pangulong Noynoy.

Inilaglag din ni Morato ang kanyang mga kasama sa dating PCSO board nang sabihin niya sa imbestigasyon na kahit hindi niya pinirmahan ang board resolution (na pirmado) siya na nagbayad ng P5 milyon sa IBC 13 para i-replay ang kanyang show dahil pirmado lahat ng mga director.

Maliwanag na ipinahamak niya ang kanyang mga dating kasamahan.

Pati na ang maanomalyang pagbibigay ng kontrata sa dalawang natalong bidders para sa online lotto technology ng PCSO.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply