Morato nadikdik sa pagbebenta ng sariling hotel

NAGMISTULANG nadikdik na bawang si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manuel “Manoling” Morato sa pagbebenta ng sarilig hotel sa isang Malaysian company na nakakontrata sa ahensiya hinggil sa pagsusuplay ng makina ng loterya.

Ibinulgar ni Sen. Franklin Drilon sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng PCSO fund scam na naibenta ni Morato ang kanyang hotel sa Perdana Lands Phils., Inc., sa halagang P785 milyon na kumita pa ng P70 milyon.

Umuupo si Morato bilang miyembro ng Board of Director ng PCSO nang maganap ang bentahan, ayon pa kay Drilon.

Ayon kay Drilon na nakakontrata ang kompanyang pinagbentahan ng hotel ni Morato, ang Perdana Lands Phils., Inc., sa PCSO hinggil sa pagsusuplay ng makina sa loterya.

“How can you sell these parcel of lands with the company that has a existing contract with the PCSO,  where you sits as member of its board,” tanong ni Drilon kay Morato.

Ikinatuwiran naman ni Morato na wala siyang kontrol sa bentahan dahil binili ng Perdana ang kanyang hotel mula sa inembargong ari-arian na ibinenta sa Deutch Bank sa ilalim ng Special Purpose Assets Vehicle Act of 2002.

“Wala po akong kontrol dyan eh, kasi the sale was consummated in Court, in a Makati Regional Trial Court. Di po ako naghanap ng buyer na yan. Sila ang namimii ng mga foreclose ng properties. Wala po akong kontrol dyan. Naunahan nga lang ako dahil may bumibili nyan na doon naman ako kikita,” ayon kay Morato.

Sinabi ni Morato na kinuha ang P70 milyon na kinita ng TF Ventures Inc., mula sa P785 milyon na ibinayad ng Perdana sa bentahan ng hotel, saka ibinayad ang kinita sa stockholder at creditor ng kanyang kompanya.

Ngunit, hinala naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na ideneklara ng TF Ventures ang P70 milyon sa halip na P785 milyon na ibinayad ng Perdana upang makaiwas ang kompanya nito sa pagbabayad ng anim na porsiyentong capital gain tax sa gobyerno.

“Mr. Morato, you avoided the paying of capital gain tax of 6 percent for selling the land and the hotel for P70 but the property was sold to a foreign firm for P785M,” giit ni Enrile.

Dahil dito, inatasan naman ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Teofisto Guingona III si Morato na isumite ang lahat ng dokumento at kaukulang papeles ng bentahan na sinang-ayunan naman ng opisyal na ihahatid ito sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply