Morenong aktor kuring at walang ka-PR-PR!

Eating alone

TIYANE na rin lang ang topic, isang tall, dark and handsome actor ang walang manners pagdating sa PR ng kanyang career. Super bait naman ang kanyang manager kung bakit hindi siya naturuan nang husto. Baka siguro feeling deprived pa rin siya kaya ayaw magpalabas ng pera, ha, ha.

Sa isang group interview, nag-aya naman ang actor na kumain muna ang mga reporter pero dahil gusto muna nilang mag-interview o baka nagpagana muna. Nag-order na ang actor for him lang at kumain na parang gutom na gutom during interview. Nabusog ang actor habang patapos na ang chikahan. Konting chika pa, kinuha na ang chit at hindi na nag-alok na kumain ang mga reporter. Pagdukot nito sa wallet, kitang kita pa naman ang maraming pera courtesy of his manager na talagang ready sa gastusan. After paying, tumayo at nagpaalam na ang actor na sa laki ng porma ay bigla namang lumiit sa tingin ng mga writers.

Nahilo-hilo sila sa gutom sa sobrang pagod. Super puti naman pero parang umitim daw ang budhi, lol.

***

BAGAY na bagay si Dimples Romana sa “Kabuhayang Swak na Swak.” Maganda pa onscreen. Matalino ang dating at mahusay magdeliver ng information, nakakaliw siyang panoorin. After “Mara Clara,” dapat lang siya uling makasali sa isang teleserye para hindi masayang ang kanyang galing.

Maricar Reyes, one of TV’s loveliest faces, deserves more projects too. Ang galing din ng kanyang commercial about the treatment of her scars. Sa isang smart viewer, alam mo na kung ano ang gusto niyang palabasin maliban sa physical scar. Ganito dapat ang commercial using a celebrity to endorse kasi effective, pinag-isipan talaga at may puso pa! Malaman ika nga.

Samantala, nakakasuya naman ang dalawang reyna ng commercials kasi nga talagang nakakauta na ang mukha nila sa dami ng endorsements. Enough na! Sobra naman na lahat ay ibinibenta nila na walang patumangga. Minsan tuloy nakakatawa na sila. From class to palengke na ang dating.

Ginulat ni Jomari Yllana ang mga taga San Jose City, esp barangay Malasin when he showed up sa parade promoting the grand opening of Rapide on July 8. May banda pa at mahaba din ang entourage na kapansin-pansin lalo na nang kumalat ang balitang ang sexy actor ay andun pala. Medyo nadismaya nga lang ang iba nang makitang medyo tumaba na ang model-actor. Here’s a photo taken by Merze V. Monzon at kayo na ang mag-judge.

Madadamot na singers

SINO ang female singer na walang utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya when she was starting her career? As a showbiz neophyte, she was always sweet and pleasant siya pero nang nagkapangalan na at naglabas ng CD, nakalimutan na ang manager at writers na dating ka-close niya. Maski compli CD ay hindi man lang nagbigay ang hitad.

Ganito rin ang kaso ng male singer na saksakan ng damot at hindi marunong magbigay ng CD sa mga taong tumulong sa kanya. Pati na sa nagbigay ng break sa kanya. Maski promo copies wala! Kaya nang tumagal, less enthusiastic na ang mga tao sa kanya at wala na ring paki maski ano pa ang mangyari sa kanyang singing career, kung meron pa man.

Gutom sa pictorial

NABALIW ang photographer sa kawalan ng hospitality ng isang sexy singer-actress during her pictorial. Sikat at mayaman naman ang celebrity pero hindi niya nakuhang magpahanda ng maski simpleng merienda para sa mga taong nagtrabaho for the day.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply