Most beautiful si John Lloyd!

FOR the first time lalaki ang nanguna sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2011. Kung sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008), Marian Rivera (2009), at Kim Chiu (2010) ang previous winners, this time, ito’y walang iba kundi ang Box Office King na si John Lloyd Cruz.

Awkward daw ang naramdaman ni John Lloyd nang malaman niyang siya ang cover at “Most Beautiful” this year.

“Para mapasama sa listahan ng ganitong naggagandahang mga nilalang, at ikaw pa ang cover ng magazine, overwhelming definitely.

“But it’s awkward to be here. But nevertheless, I’m very thankful, ” deklara niya.

Ang top 3 para kay John Lloyd na Most Beautiful Stars ay sina Jericho Rosales, Isabel Daza at Mylene Dizon.

Marami ang nagtanong kung bakit wala sa top 3 ang girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Ayon sa actor, hindi na talaga nila isinasali ang isa’t isa sa ganitong mga katanungan. Pero para sa kanya si Shaina raw ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Ano naman ang sariling konsepto ni JL sa kagandahan?

“Ako, tingin ko kasi, I have a very complex way of defining or seeing beauty. Totoo nga ang sinasabi ko na iba-iba tayo ng pagtingin kung what’s beautiful…Ako kasi, well, physically—great hair, magandang legs, yung medyo may pagka-misteryoso ang mata, sexy back.

“But tingin ko kasi, real beauty comes with what happened… it is something more substantial. And to be more specific, kaya medyo complex ang pagtingin ko sa beauty, I think the more intriguing form of beauty is pain and suffering,” deklara niya.

Ano ang feeling niya na natalo niya ang ibang sikat na  actors?

“‘Yung katawan ni Piolo (Pascual), maganda sa girl lang yun. Yung katawan ko, mas masarap yakapin!” natatawa niyang pahayag.

Kahit daw mga babaing artista ay nilampaso ni Lloydie.

“Sabi ko nga, hindi naman tayo ang naglagay sa sarili natin para mapunta sa posisyon na yun.

“Sabi ko nga, it’s really awkward to be here. And to be the number one, parang medyo inappropriate.

“Pero kapag sinabi ng napaka-credible ng team behind YES! magazine, kailangan mong irespeto.

“Hindi siya isang bagay na para lang masabi ng YES!, hindi nila gagawin yun.”

Bukod sa pagiging “Most Beautiful,” si John Lloyd din ang top male endorser, ayon sa listahan na isinagawa rin ng YES! para sa kanilang August 2011 issue.

“Well, malapit na ‘kong masiraan ng bait!” biro niya.

“Siyempre, nagpapasalamat ako… I guess, ang pinakadapat kong pasalamatan, all the brands na nagtitiwala at patuloy na sumusuporta at kinukuha ko na i-endorse ang kanilang mga produkto,” sey pa niya.

Tamaaaa!

***

NANALO ang ABS-CBN ng Asia’s Best Employer Brand Award bilang pagkilala sa pagiging isang mahusay nitong employer na nagtataguyod sa kapakanan ng mga empleyado sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapatupad ng mga patakaran at pagbabagong mangangalaga at susulong sa interes ng mga ito.

Napili ang ABS-CBN ng mga hurado matapos irekomenda ito ng isang malayang koponan ng mga propesyal sa Asya.

Wagi naman ng Woman Super Achiever Award si ABS-CBN President and Chief Operating Officer na si Charo Santos Concio. Ang naturang parangal ay iginagawad sa mga natatanging kababaihan na nagpapakita ng mahusay na
pamumuno at pamamahala ng sa isang organisasyon, pagpapatupad ng pagbabago at pagbubunga ng positibong resulta.

Ang Asia’s Best Employer Brand at Women Super Achiever awards ay ibinigay ng Employer Branding Institute, World HRD Congress, Stars of the Industry Group at CMO Asia.

Ginanap ang awarding cermonies sa SUNTEC Singapore International Convention and Exhibition Centre noong July 22.

Sina Charo at ABS-CBN corporate communications head Bong Osorio ang dumalo sa naturang event.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply