Motoroc sa Nueva Ecija

CABANATUAN, NUEVA ECIJA — Matagumpay na idinaos ang 2nd leg ng Colt 45 MOTOROC (Motorcycle Race of Champions) na ginanap sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City noong ika-10 ng Hulyo.

Isa sa mga naging highlight ng kaganapan ay ang karera ng mga professional riders na sina John Lery Enriquez, Mark Indiongco, at Tracy Soyangco kung saan ang Suzuki rider na si Enriquez ang nagwagi sa nasabing “special event.”

Wagi rin si Rodney Dizon sa 125 stock category laban kina Sonny Santos at Arnel Dao. Gayundin si Gerald Cruz na tinalo sina Ericson Esmabe at Wesley Dizon para sa 110 stock category.

Sina Gilbert Syesco at Gio Adriano naman ang nagtuos para sa 110 modified, kung saan si Adriano ang hinirang na panalo.

Para naman sa modified scooter category, tumabla ang laban nina Masato Fernando at Gerald Cruz; si Fernando ang nanalo sa 160 scooter, habang si Cruz naman ang sa 100 scooter.

Muli na namang nagharap sina Tracy Soyangco at Mark Indiongco na sinabayan pa ni Marvin Mangulabnan para sa Open-4-Stroke category kung saan si Soyangco ang naka¬sungkit sa unang pwesto.

Ang ikatlong round ng Colt 45 MOTOROC ay gaganapin sa ika-13 hanggang ika-14 ng Agosto sa Limketkai Mall, Cagayan de Oro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply