Motorsiklo binangga ng bus, driver durog

NAGKADUROG-DUROG ang katawan ng isang lalake matapos banggain ng bus at sumalpok sa isang pick-up habang tinatahak ang Macapagal Blvd sa Pasay.

Agad binawian ng buhay si Nestor Rodriguez, 59, ng 358 Protacio St., Pasay City na lulan ng kanyang Honda Motorcycle 125cc (XQ 8962).

Agad namang sumuko ang mga drayber ng sasakyang nakabangga sa biktima na si Robisito Lagumbay, 37 ng 169 road 7, GSIS hills, Talipapa, Caloocan City at Richard Asilo, 31, ng No. 18 Collins St., Doña Faustina Village, Culiat, Quezon Cit.

Batay sa report ni SPO1 Albert Ignacio, naganap ang insidente dakong 7:20 umaga ng Sabado habang minamaneho ni Lagumbay ang Joyselle Express bus (TXA-167) sa  Macapagal Blvd. nang mabangga ang nasa harap nitong motorsiklo na minamaneho ng biktima.

Dahil sa lakas ng impak ay tumilapon ang biktima at sumalpok sa likurang bahagi ng pick-up Nissan Frontier (FSA 808) na minamaneho ni Asilo.

Bumagsak sa kalsada ang duguan biktima na nagkabali-bali ang buto sa katawan at nabasag ang bungo

Isinugod pa sa ospital ng San Juan de Dios upang masagip ang buhay ng
biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply