Mount Soputan sa Indonesia sumabog

SUMABOG ang Mount Soputan sa Sulawesi Island sa Indonesia Linggo ng umaga.

Bagama’t sumabog ang naturang bulkan ay hindi pa rin ipinag-uutos ang evacuation para sa mga residenteng naninirahan malapit doon.

Base sa mga naglabasang ulat, nagbuga ang bulkan ng abo na umabot sa 5,000 metro.

“The volcano erupted this morning. Besides spewing ash and dust particles, it also spewed hot gas but that’s limited to around its crater,” ayon sa isang siyentipiko.

Gayunman, dagdag nito, ligtas pa rin aniya ang naganap na pagsabog ngunit masusing mino-monitor na ang aktibidad ng nag-aalburutong bulkan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply