Mouthwash mula Columbia binawi ng P&G

BINAWI ng Procter and Gamble Philippines Incorporated (P&G) ang isang batch ng mouthwash product nito na ginawa sa Retycol, Columbia.

Tinukoy ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Oral-B Tooth and Gum Care Alcohol free mouth rinse na boluntaryong ipina-recall ng P&G.

Dahil dito, pinayuhan ni FDA acting director Suzette Lazo ang publiko na huwag nang gamitin kung nakabili ng naturang produkto o kaya naman ay makipag ugnayan kaagad sa kanilang tanggapan.

Ang product recall, ayon kay Lazo ay kasunod ng microbial level na nakita sa ilang produktong ginawa sa parehong manufacturing site sa Columbia.

Nilinaw naman ni Anama Dimapilis, Corporate Communications Manager ng P&G na delikado lamang sa may mababang immune system ang sinasabing microbial levels. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply