MPD Press Corps kampeon sa paliga ng NPC-AFIMA

MATAGUMPAY na nasungkit ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) Baskteball team ang kampeonato sa ginanap na liga na inorganisa ng National Press Club (NPC)-Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (AFIMA) para sa mga miyembro ng media.

Naging mahigpit  ang naging labanan ng MPD-Press Corps at team Aduana (Customs) nang unang matambakan ng mahigit 20 puntos ang MPD sa una at ikalawang round ng first half.

Hindi naman nasira ang loob ng mga MPD team at determinado pa ring lumaban  at makamit ang pagiging kampeon sa laro.

Humabol sila sa score at nakabawi ng maraming puntos hanggang sa naungusan ang team Aduana.

Sa score na 73-72 ay natalo ng MPD Press Corps ang team ng Aduana (Customs) sa lamang na isang puntos lamang.

Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang nasungkit ng MPD ang kampeonato sa liga ng basketball tuwing may mga ganitong palaro para sa mga media.

Bagamat gaganapin sa Biyernes, Agosto 5 ang awarding sa mga nanalo ay nagpauna na ng pasasalamat ang buong opisyal ng National Press Club sa pangunguna ni President Jerry Yap sa ibinigay na pagkakataong maipakita ang kanilang kakayahan sa larangan ng paligsahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply