MPD umapela sa mga militanteng grupo

HINILING ng pamunuan ng Manila Police District sa mga militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta na bantayan ang kanilang hanay at tiyaking hindi mapapasukan ng mga manggugulo o magpapakalat ng karahasan.

Ginawa ang pahayag ni Manila police spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo kasunod na rin ng kalatas ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na magsasagawa sila ng rally sa harap ng Korte Suprema dahil sa hindi nagustuhang desisyon ng mga mahistrado sa usapin ng Hacienda Luisita.

Pinayuhan ni Margarejo ang mga militante na bantayan ang kanilang hanay upang maging maayos ang kanilang gagawing rally. .

Sinabi rin ni Margarejo sa mga lider ng militanteng grupo na hindi sila mangingiming hulihin ang sinumang gagawa ng kaguluhan o karahasan sa kanilang kilos protesta.

Ayon sa KMU, magdadala sila ng malaking Supreme Court decision na may larawan ni Pangulong Benigno Aquino III na kanilang sisilaban bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na pumapabor sa angkan ng Pangulo.

Samantala, naghahanda na rin ang MPD Civil disturbance manangement unit para sa sasalihang tagisan ng galing sa laraangan ng paggamit ng kalasag at ng yantok.

Ani Margarejo, ito ay bahagi ng preparsyon sa Sona ni Pangulong Aquino sa Hulyo 25.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply