Mr. Palengke noon, Sec. DOTC ngayon

LIMANG araw matapos nakapanumpa bilang kalihim ng Transportation and Communication Department, maagang sumabak si Mar Roxas na kilalang Mr. Palengke noong panahon ng kampanya, kasunod ng pagsalubong sa kanya ng sektor ng transportation na bitbit ay pawang mga suliranin.

Una rito ay ang mga grupo ng Jeepney Operator na ang hinaing ay mga kaganapan at problemang kinakaharap sa Land Transportation Office (LTO) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sinundan ito ng problema sa Light Railway Transit at Metro Railways Transit na hindi ni minsan ay nakaharap sa aberya sa mga nagdaang araw na nakaperhuwisyo sa mga mananakayang publiko na binubuo ng mga estudyante at manggagawa – publiko at pribado.

May isinasalang tuloy rito si Roxas na pag-aaral kung makabubuti ang pagsasapribado ng operasyon nito.

Ang kalulunsad ding Bicol Express ng Philippine National Railways (PNR) ay sakit din ng ulo ng DOTC kasunod ng suspensiyon ng operasyon na sana ay hanggang sa Naga City ang biyahe na dadaan sa ilang piling istasyon.

Subalit sa inisyal na pagratsada ay naaberya ng hanggang sa Sipocot station lang umabot ang biyahe nang nabalaho ang bagon dala umano ng pagguho ng lupa dulot ng nagdaang bagyo na nagpalambot sa kinakapitan ng mga riles.

Naunsiyami ang maraming Bicolano at biyahero sa hindi kagandahang panimula ng perokaril na pangunahing sasakyan ng mga taga-Bicol at kargahan ng mga kargamento 30 taon na ang nakararaan ay malaking tulong sa kanila. Malaking pondo, project studies at human resources ang kakailanganin ng DOTC para sa pagsasaayos ng LTO, LTFRB, MRT-LRT at ng PNR para sa tuluyang pagpapatino ng operasyon nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply