MRT hanggang Cavite itatayo

BAGONG Metro Rail Transit ang kasagutan ng gobyerno sa lumalalang trapiko sa Cavite.

Ayon kay Trade Undersecretary Cristino Panlilio, dumarami ang taong nag-uuwian mula Metro Manila hanggang Cavite kaya laging mahaba ang traffic kapag rush hours.

Ani Panlilio, plano na ng gobyernong magpagawa ng mahabang MRT mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite na may connecting roads sa Aguinaldo Highway patungong Trece Martirez at Puerto Azul.

Sinabi ni Panlilio, hindi pa ito magsisimula sa isang taon dahil bubuksan pa lamang nila ang bidding, ngunit kung maaayos ito ay giginhawa ang mga  Caviteño at Batangueñong commuter.

Aniya, kapag nayari na ang MRT ay isusunod na rin nila ang mga connecting road patungong Nasugbu, Lemery, Balayan, Lian, Calaca, at Calatagan sa probinsya ng Batangas.

Gayunman, hindi sinabi ni Panlilio kung magkano ang pondong inilalaan nila dito. Hindi rin niya sinabi kung magkano ang magiging singil nila sa pamasahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply